My American Idol Love Story

Mag a-audition ako. Dadating ako dun kasama ang isang kakilala kasi ayaw kong malaman ng pamilya kong nag-audition ako para surprise. Mahilig ako magpaka-mysterious kahit madalas sablay eh. Bakit ba?

Tapos magpapa-cool ako at iikot sa building. Pupuslit sa rooftop bago ang turn ko at mag p-practice mag-isa. Tapos hindi ko mapapansin na may tao pala hanggang may marinig akong boses na nagsasabing "Wow! After hearing that, I feel like I shouldn’t even try to audition at all."

Syempre English ‘yung pagkakasabi kasi American Idol nga eh. So malamang nasa America ako. Tapos ‘yun, mahihiya ako, mag t-thank you, at pipilitin ang mga mata ko na hindi tumingin sa hindi dapat tignan para hindi magmukhang takam sa laman (daming sinabi). Kukunin niya number ko kasi torpe at sobrang mahiyain ako tsaka ganun talaga dapat. Tapos mag a-audition ako, matatanggap hanggang hollywood week, tapos ‘yung song challenge na week, tapos ma v-vote off ako pagdating ng Top 12 at makaka-abot siya ng Top 10 pero matatanggal ng Top 4.

Tapos matagal kaming hindi maguusap. Biglang mag r-ring ang cellphone ko, sasagutin ko at maririnig nalang bigla ang pagkanta niya. Sweet.

Tapos magiging kami… pero ma-a-aksidente siya at kailangan niya ng bagong puso. So dodonate ko puso ko kasi sobrang mahal ko siya tapos mamamatay ako.

The end.